Ambulansya pan-deliver ng droga, 4 timbog

Kabilang ang drayber ng isang ambulansiya sa apat na nahuli sa ikinasang drug buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang mga hinuli na sina Oliver Dalena, 44-anyos; Ericson Diaz, 32-anyos; Alex del Mundo, 22-anyos; at Dean Patrick Marquez, 30-anyos, pawang residente ng Caloocan City.

Nakuha sa kanila ang hinihinalang droga na nagkakahalaga ng P81,000.

Ayon sa pulisya, ginamit ng apat ang ambulansiya ng Barangay 166 Caybiga, Caloocan City para makalusot sa mga checkpoint at makarating sa Bambang street sa Sta, Cruz, Maynila kung saan ikinasa ang operasyon.

Kinumpiska na rin ng pulisya ang ambulansiya, isang Mitsubishi FB van (C277).

Hinihinala na ginagamit talaga ng mga suspek ang ambulansiya sa pagde-deliver ng droga.


Read more...