Heat index sa Metro Manila, pumalo sa 38 degrees Celsius

Hindi gaanong naging matindi ang naramdamang init at alinsangan ng panahon sa Metro Manila, araw ng Huwebes (April 30).

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 38 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon bandang 11:30 ng umaga.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang heat index noong Miyerkules, April 29 na 35.1 degress Celsius.

Ayon pa sa weather bureau, nasa 34.8 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.

Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...