Aniya inilabas na ng Department of Finance at Department of Energy ang implementing rules and regulations (IRR) para sa naturang batas.
Sinabi ni Gatchalian hindi na magbabayad ng karagdagang P0.86 per kilowatt hour para sa Universal Charges for Stranded Contract Costs (UCSCC) and Stranded Debts (UCSD) ang mga konsyumer.
Kaya’t ang mga nakakakonsumo ng 200 kwh kada buwan ay makakatipid ng P172 o P2,064 kada taon.
Malaking tulong na ito sa mga konsyumer na inaasahan na ang naipon na bayarin sa kuryente dahil sa sitwasyon dala ng COVID 19.
Ang UCSCC at UCSD ay dahil sa utang ng Napocor na ipinapasa sa mga konsyumer.