Ito, ayon sa senadora, para maiwasan o mabawasan ang komprontasyon sa pagitan ng mga nagpapatupad ng quarantine protocols at mga pasaway kung saan umiiral ang mas mahigpit na lockdown.
Pagdidiin ni De Lima kailangan mas maging malinaw ang rules of engagement kasabay nang pagpapatupad ng protocols.
Aniya may mga sitwasyon na kailangan pagdesisyunan ng mga pulis ngunit wala silang sapat na pagsasanay ukol dito.
Ipinunto ng senadora ang mga insidente kung saan nagkaroon ng karahasan sa pagpapatupad ng quarantine protocols.
Binanggit pa ni De Lima ang puna ni United Nations Human Rights Commissioner Michelle Bachelet ang mala-mitar na pagtugon ng awtoridad sa mga quarantine protocols.