8.8 milyong pamilya tumanggap na ng cash assistance sa ilalim ng SAP

Umabot na sa mahigit 8.8 milyon na pamilya ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, 48.7 percent palang ito ng target na 18 milyong pamilya.

Sa naturang bilang, mahigit 3.7 million ay Pantawid Pamilya beneficiairies habang mahigit 5 million ang tinarget na pawang vulnerable sector.

Mayroon namang mahigit 40,400 nang PUV drivers ang tumanggap na ng tulong-pinansyal.

Sa kabuuan ay umabot na sa P46 billion ang na-disburse na pondo.

 

 

 

 

Read more...