Tauhan ng MMDA na nanakit ng asawa at anak sinibak na sa serbisyo

Sinibak na sa serbisyo ang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nasa viral video na nananakit ng kaniyang asawa at anak nito.

Habang nakakulong ay isinilbi kay MMDA Metro Aide 1 Roel Gatos sa presinto sa San Jose Del Monte, Bulacan ang termination order sa kaniya.

Ayon sa MMDA, physical violence at abuse ang basehan ng pagsibak kay Gatos.

Ang video ni Gatos habang sinasaktan ang anak ng live-in partner na si Irene Grace dela Vega ay kumalat sa social media.

 

 

 

Read more...