Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.60 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (April 30) mas mababa sa antas nito kahapon na 190.78 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam na nasa 99.96 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 99.99 meters habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.72 mas mataas sa antas nito kahapon na 76.75 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, Binga, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng San Roque at Magat dams.

 

 

 

Read more...