Bilang ng nasawi sa US dahil sa COVID-19 mahigit 60,000 na

Sumampa na sa mahigit 60,000 ang bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos dahil sa COVID-19.

Sa pinakahuling datos, nakapagtala ng halos 2,000 pang nasawi sa magdamag sa US kaya umabot na sa 61,180 ang COVID-19 death toll ng bansa.

May naitala ring dagdag pang mahigit 20,000 na kaso ng sakit.

Sa ngayon ay mahigit 1,056,700 na ang kaso ng COVID-19 sa US.

Mayroon namang mahigit 145,300 na naka-recover sa US dahil sa COVID-19 haang mayroon pang mahigit 850,000 na aktibong kaso.

 

 

 

 

 

Read more...