Sarangani, Davao Occidental muling niyanig ng lindol

Muling niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa 355 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani,alas-5:34 madaling araw ng Huwebes (April 30).

May lalim na 6 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental kaninang ala-1:46 madaling araw.

 

 

 

Read more...