Western Visayas, mayroon nang 66 COVID-19 cases

Nakapagtala pa ng tatlong bagong positibong kaso ng COVID-19 sa Western Visayas.

Sa datos ng DOH Western Visayas Center for Health Development hanggang April 29, umabot na sa 66 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa nasabing rehiyon.

Kabilang sa bagong kaso ang 43-anyos na babae sa Caluya, Antique; 49-anyos na lalaki sa Caluya, Antique; at 48-anyos na lalaki sa Arevalo, Iloilo City.

Ang dalawang kaso sa Antique ay nakasailalim sa home quarantine habang ang bagong pasyente sa Iloilo City nananatili sa quarantine facility.

Samantala, nananatili sa 24 ang bilang ng residente gumaling sa COVID-19 sa Western Visayas at siyam ang nasawi.

Read more...