Ayon sa PAGASA, umabot sa 51 degrees Celsius ang heat index sa San Jose, Occidental Mindoro bandang 11:00 ng umaga.
Narito naman ang naitalang heat index sa iba pang lugar:
– Ambulong, Tanauan City – 47 degrees Celsius dakong 2:00 ng hapon
– Sangley Point, Cavite City – 45 degrees Celsius dakong 11:00 ng umaga
– Zamboanga City – 43 degrees Celsius dakong 3:00 ng hapon
– Davao City – 42 degrees Celsius dakong 3:00 ng hapon
– Legazpi City – 42 degrees Celsius dakong 12:00 ng tanghali
– Science Garden, Quezon – 42 degrees Celsius dakong 12:45 ng tanghali
Babala ng weather bureau, mapanganib ang dulot ng 41 hanggang 54 degrees Celsius na heat index.
Posible anila itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke.
Dahil dito, nagpaalala ang PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.