Bilang ng Filipino sa abroad na pumanaw dahil sa COVID-19, nadagdagan ng 10

Nadagdagan nang 40 ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 29, nasa 1,644 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,011 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 434 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

10 ang nasawi pa kung kaya 199 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Americas na may 468 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 461 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 365 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 350 sa Middle East/Africa.

Read more...