COVID-19 mass testing isasagawa sa kasagsagan ng lockdown sa Tondo, Maynila

Magsasagawa ng COVID-19 mass testing sa kasagsagan ng ipaiiral na lockdown sa isang distrito sa Tondo, Maynila.

Ayon kay Mayor Isko Moreno, isasailalim nang 48 oras sa ‘hard lockdown’ ang Tondo 1 sa darating na weekend.

Sapat na aniyang panahon ang 48 oras para magsagawa ng mass testing habang umiiral ang lockdown sa Tondo 1.

“I’m hoping that it will have a better effect with regard sa infection or contagion of COVID-19,” pahayag ng alkalde.

Sa kasagsagan ng lockdown, sarado aniya ang lahat ng pamilihan kabilang ang grocery stores sa loob ng Tondo 1.

Apat na pampublikong paaralan ang target ng Manila City government kung saan isasagawa ang mass testing sa mga residente ng Tondo 1.

Kabilang dito ang Rosario Almorio Elementary School, T. Paez High School, Tondo High School at Isabelo Delos Reyes Elementary School.

Read more...