Kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City, umabot na sa 142

Umakyat na sa 142 ang bilang ng naitalang kaso ng COVID-10 sa Muntinlupa City.

Ito ay batay sa abiso hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (April 29).

Pinakamaraming napaulat na COVID-19 cases sa Barangay Ayala Alabang na may 32 cases.

Narito naman ang naitalang datos sa iba pang barangay sa lungsod:
– Tunasan – 12
– Poblacion – 14
– Putatan – 26
– Bayanan – 10
– Alabang – 7
– Cupang – 21
– Buli – 4
– Sucat – 16

Nasa 400 ang probable cases kung saan 182 ang cleared na.

18 katao naman ang itinuturing na suspect cases kung saan 313 ang cleared na.

Samantala, 32 residente sa lugar ang gumaling na sa COVID-19 pandemic habang 20 ang pumanaw.

Read more...