LPA sa loob ng bansa, malabong maging bagyo – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather bureau Samuel Duran, huling namataan ang LPA sa layong 920 kilometers East Southeast ng Davao City bandang 3:00, Miyerkules ng hapon.

Nakapaloob aniya ang LPA sa Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakapekto sa Silangang bahagi ng Mindanao region.

Maaari aniya itong lumapit pa sa Eastern Mindanao.

Kapag lumapit na sa nasabing rehiyon, ani Duran, posibleng humina pa ang LPA.

Sinabi pa nito na mababa ang tsansa na lumakas ang LPA at maging bagyo.

Read more...