Katuwiran nina Pineda at Datol, marami sa mga senior citizen ay malalakas pa naman at kayang magtrabaho o aktibo sa negosyo.
Hindi anila kailangang lubusan silang pagbawalan na lumabas dahil lamang sa kanilang edad.
Giit ni Datol, marunong namang sumunod ang mga lolo’t lola sa social distancing.
Hindi aniya dapat ikulong ang mga ito sa bahay lalo na iyong mga nag-iisa na lamang sa buhay dahil mas lalong makasasama ito sa kanilang kalusugan.
Sa inilabas na guidelines ng gobyerno para sa Enhanced Community Quarantine at General Community Quarantine, bawal ang senior citizens na lumabas ng bahay.
Sa panig ni Pineda, dapat meron aniyang exemptions para sa seniors na wala namang delikadong kondisyon.