Silago, Southern Leyte niyanig ng magnitude 4.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Southern Leyte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 11 kilometers Southeast ng bayan ng Silago,alas-12:08 tanghali ng Miyerkules (April 29).

May lalim na 3 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity IV – Silago, Southern Leyte
Intensity III – San Juan, Anahawan, Hinunangan & Hinundayan, Southern Leyte
Intensity II – Palo, Leyte
Intensity I – Surigao City

Naitala rin ang instrumental intensity 1 sa Surigao City.

Wala naman naitalang pagkasora sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...