BREAKING: 2,103 nakapasa sa 2019 bar examinations

Mula sa 7,685 na kumuha ng bar exam noong nakaraang taon, ay 2,103 ang nakapasa.

Inanunsyo ito ni Senior Associate Justice Estela Perlas Bernabe, chairperson ng 2019 Committee on Bar Examinations.

Ang nasabing bilang ng mga pumasa ay 27.36 percent ng kabuuang bilang ng mga kumuha at nakatapos ng pagsusulit.

Nagsagawa ng special en banc session ang mga mahistrado para mapagpasyahan ang passing percentage.

Mula sa 75 percent nagpasya din ang en banc na ibaba sa 74 percent ang passing rate.

Nakatakdang makita ang buong resulta sa official website ng Korte Suprema na https://sc.judiciary.gov.ph

Read more...