Mga lumalabag sa quarantine bumababa na

Photo grab from PNP chief Gen. Archie Gamboa Facebook video

Bumababa na ang bilang ng mga lumalabag sa quarantine protocols na ipinapatupad ng pamahalaan.

Sa virtual hearing ng House Defeat COVID-19 Committee (DCC), sinabi ni PNP Chief Archie Gamboa na resulta ito ng mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Aniya mula sa dating 8,000 violators noong Marso bumaba na ito sa ngayon sa 300 hanggang 400 na lamang kada araw.

Kung dati kasi aniya ay maluwag pa sila sa mga violators, ngayon naging mahigpit na ang pulisya dahil kaagad na kinakasuhan na ang mga lumalabag sa quarantine protocls.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, mahigpit na ipinapatupad ang stay-at-home policy; suspendido ang public transportation; regulated ang food at essential services; at pinaigting ang presensya ng mga uniformed personnel.

 

 

 

 

Read more...