Ayon kay FDA chief Eric Domingo, ang naturang gamot ay hindi rin kabilang sa isinasailalim sa solidarity trial ng FDA para sa mga posibleng gamot kontra COVID-19.
Ayon kay Domingo ang Carrimycin ay ginagamit ngayon sa China at sumasailalim pa lang sa clinical trials.
Ang naturang gamot ay ginamit ni AFP Chief Gen. Felimon Santos nang siya ay tamaan ng COVID-19.
Kumalat din ang kopya ng kaniyang sulat sa China na humihingi ng suplay ng gamot para maipagamit niya sa kaniyang malalapit na kaibigan na mayroong sakit.
Pero ayon sa AFP, binawi ni Santos ang liham matapos na malaman na ito ay hindi rehistrado sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES