Barangay-based testing sa COVID-19 isinasagawa na sa 28 barangay sa Taguig

Nagsasagawa na ng barangay-based testing para sa COVID-19 sa lahat ng 28 mga barangay sa lungsod ng Taguig.

Sa unang araw ng barangay-based testing kahapon ay umabot sa 238 na katao ang naisailalim sa COVID test.

Ayon sa Taguig City LGU, mayroong 31 Health Centers na nagsisilbing testing facilities.

Kung nais na magpa-assess para makapagpa-test ay maaring tumawag sa 8789-3200 o 0966-419-4510.

 

 

 

 

Read more...