Balik pagsa-sanay na ang dating UFC women’s bantamweight champion na si Ronda Rousey.
Matagal-tagal ring namahinga si Rousey matapos siyang talunin ni Holly Holm sa UFC 193 noong nagdaang taon.
Nag-marka kay Rousey ang laban na iyon dahil nag-sanhi ito ng bahid sa kaniyang napakadandang record sa UFC.
Sa mga litratong lumabas sa isang entertainment news website, makikita si Rousey na nasa Glendale Fighting Club kasama ang trainer niyang si Edmond Tarverdyan.
Matatandaang binatikos ng ina ni Rousey na si AnnMaria De Mars si Tarverdyan pagkatapos ng UFC 193 at sinabihan pa siyang palpak na trainer.
Sa kabila nito, mukhang mananatili pa rin si Rousey sa ilalim ng pagsasanay ni Tarverdyan na matagal na niyang trainer.
Tinatarget na ng pinuno ng UFC na si Dana White na pabalikin na sa ring si Rousey sa November, oras na ma-legalize na ang Mixed Martial Arts sa New York, at kapag naisa-pinal na ang card.