Philipine Arena nakatakda nang buksan bilang quarantine facility

Kuha ni Chona Yu

Nakatakda na ring buksan bilang quarantine facility ang bahagi ng Philippine Arena Complex sa Bulacan.

Ang Philippine Arena ay mayroong 300 beds para sa mga pasyente.

Ang pag-convert sa pasilidad ay pinagtutulungang gawin ng Department of Public Works and Highways, Iglesia ni Cristo, at MVP Group of Companies.

Ngayong araw ay inaasahang matatapos ang konstruksyon sa pasilidad.

Ang mga pasyente sa Bulacan at iba pang kalapit na lugar sa Luzon at Metro Manila ang gagamit ng quarantine facility.

 

 

 

Read more...