Hernani, Eastern Samar niyanig ng malakas na lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 53 kilometers Northeast ng bayan ng Hernani, alas-7:12 umaga ng Miyerkules (April 29).

May lalim na 56 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...