Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang bayan ng San Jose, Occidental Mindoro ng pinakamataas na heat index na umabot sa 51 degrees Celsius (alas-11 ng umaga).
Naitala naman ang 44 degrees Celsius sa Sangley Point, Cavite (alas-2 ng hapon).
Pawang nakapagtala naman ng 43 degrees Celsius na heat index ang Davao City at Science City of Muñoz (alas-2 ng hapon).
42 degrees Celsius naman ang naitala sa Calapan City, Dagupan City, Puerto Princesa City at Zamboanga City.
Samantala, pumalo naman sa 38 degrees Celsius ang naitalang heat index sa Metro Manila sa bahagi ng Science Garden, Quezon City bandang 1:50 ng hapon.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.