Dolores, Eastern Samar niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 18 kilometers Southeast ng bayan ng Dolores, ala-1:20 madaling araw ng Miyerkules (April 29).

May lalim na 83 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...