Ayon sa Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, ang tatlong bagong kaso ay residente sa Albay; dalawa sa Legazpi City at isa sa Ligao City.
Dahil dito, hanggang 5:00, Martes ng hapon (April 28), nasa 38 na ang confirmed COVID-19 cases sa naturang rehiyon.
Naitala ang mga kaso ng nakakahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Catanduanes – 1
– Camarines Sur – 7
– Albay – 30
Sa ngayon, apat ang naka-confine sa pagamutan at apat din ang nakasailalim sa quarantine.
Ayon pa sa DOH CHD – Bicol, siyam na residente sa rehiyon ang ikinokonsidera bilang suspected case.
Nasa 26 pasyente naman ang gumaling sa COVID-19 pandemic sa Bicol at apat ang nasawi.