Christopher de Leon, nag-donate ng blood plasma


Nag-donate ang beteranong aktor na si Christopher de Leon ng blood plasma sa St. Luke’s Medical Center – Global City sa Taguig, araw ng Martes (April 28).

Ito ay makaraang magnegatibo na sa COVID-19 ang aktor.

Sa Instagram account ni Sandy Andolong, makikita ang larawan ng pag-donate ng aktor sa nasabing ospital.

Sa caption nito, nagpasalamat ang aktres sa lahat ng doktor at medical staff sa nasabing ospital para sa pagtulong sa kaniyang asawa.

Matatandaang noong March 17, inanunsiyo ni Christopher na nagpositibo siya sa COVID-19.

Read more...