Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Taguig City, nadagdagan ng pito

Nasa pitong pasyente ang bagong napaulat na tinamaan ng COVID-19 sa Taguig City.

Sa inilabas na update dakong 8:45, Martes ng gabi (April 28), nasa kabuuang 228 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Pinakaraming naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa bahagi ng Barangay Fort Bonifacio.

Narito ang datos sa iba pang barangay sa Taguig:
– Bagumbayan – 4
– Bambang – 8
– Calzada – 5
– Hagonoy – 2
– Ibayo-Tipas – 11
– Ligid-Tipas – 3
– Lower Bicutan – 14
– New Lower Bicutan – 9
– Napindan – 0
– Palingon – 1
– San Miguel – 11
– Sta. Ana – 11
– Tuktukan – 2
– Ususan – 26
– Wawa – 5
– Central Bicutan – 6
– Central Signal – 4
– Katuparan – 1
– Maharlika Village – 9
– North Daang Hari – 1
– North Signal – 3
– Pinagsama – 15
– South Daang Hari – 0
– South Signal – 9
– Tanyag – 1
– Upper Bicutan – 7
– Western Bicutan – 16

Samantala, 1,287 ang itinuturing na suspected cases sa nasabing lungsod.

Nasa 26 residente ang gumaling na sa nakakahawang sakit habang 15 ang pumanaw na.

Read more...