Ayon kay PNP Health Service Director, Police Brigadier General Herminio Tadeo Jr., nasa 89 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa hanay ng pambansang pulisya.
Kabuuang 559 na PNP personnel naman ang suspected cases habang 199 ang probable cases.
Batay pa sa datos hanggang 12:00, Martes ng tanghali (April 28), 13 pulisya ang naka-recover sa COVID-19 pandemic at tatlo ang pumanaw.
Sa kabila nito, tiniyak ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac na mananatili ang kanilang istriktong pagpapatupad ng quarantine measures sa Metro Manila at iba pang lugar na nakasailalim sa enhanced community quarantine.
“The PNP under the command of Police General Archie Francisco F. Gamboa will be firm in standing by our President Rodrigo Roa Duterte that for us to win this war vs COVID-19, we need to impose on all Filipinos strict ECQ and GCQ measures as well as lead the thorough contact tracing and isolation of possible COVID-19 patients in the country. We need everybody’s cooperation as we strictly impose the law in this time of National Emergency,” pahayag nito.
Hinikayat nito ang publiko mula sa iba’t ibang sektor na patuloy na sumunod sa lahat ng panuntunan ng gobyerno para mahinto na ang pagkalat ng virus at mapasailalim na sa General Community Quarantine.
Tuloy din aniya ang suporta ng PNP sa mga mahihirap na pamilya na lubos na apektado ng quarantine sa pamamagitan ng “Kapwa Ko, Sagot Ko Program.”
“As we approach the commemoration of Labor Day, we continue to support poor families including majority of the labor force affected by the quarantine through our Kapwa Ko, Sagot Ko Program but we will also implement strict ECQ and GCQ measures in all communities regardless of social status. The PNP will do all necessary measures under the law for us maintain order and to overcome this Pandemic”, dagdag ni Banac.