Bilang ng Filipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, nadagdagan ng 209

Nadagdagan nang 209 ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 28, nasa 1,604 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 996 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 419 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Tatlo ang nasawi pa kung kaya 189 na ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami nang naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Americas na may 457 na kaso.

Sumunod dito ang Europe na may 454 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 360 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 333 sa Middle East/Africa.

Read more...