BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, halos 8,000 na

Halos 8,000 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (April 28), nasa 7,958 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

181 ang napaulat na panibagong kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Ayon pa sa kagawaran, 19 pang pasyente ang nasawi kung kayat ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 530 na.

Samantala, 43 namang pasyente ang nadagdag a bilang ng mga gumaling sa COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Dahil dito, 975 na ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.

Read more...