Mga stranded OFW at mga estudyante, hiniling na maihatid sa Visayas at Mindanao

Hinimok ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez nter-agency task force (IATF) at ang Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA) na ihatid ang mga manggagawa at mga estudyante na naipit sa Luzon lockdown.

Hiniling nito sa gobyerno na mag-organize ng sweeper flights o sea transport para sa umuwing overseas Filipino workers (OFWs) na stranded ngayon sa Metro Manila at Clark, Pampanga na karamihan ay mula sa Mindanao at sa Visayas.

Sabi ni Rodriguez, marami sa OFWs ay dumating noon pang March 13 hanggang 15, kaya naman mahigit 40 araw na silang stranded.

Nasuri naman na anya ang mga ito at negatibo sa COVID-19.

Binanggit rin nito ang mga estudyante naman mula sa iba’t ibang parte ng Mindanao ang na-stuck sa UP Los Baños sa Laguna.

Umaasa ang kongresista na magagawan ng evacuation plan ng IATF at ng OWWA para mapauwi ang mga ito sa kani-kanilang probinsya.

Bukod kasi anya sa paubos na ang kanilang personal supplies at tiyak na sabik na rin silang makasama ang kanilang mga pamilya.

 

 

 

 

 

Read more...