Pag-upgrade ng mga ospital kailangan na – Rep. Hataman

Napapanahon ng maghanda ang Pilipinas sa mahabang laban kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pag-upgrade ng mga ospital at iba pang healthcare facilities.

Ayon kay Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, halos lahat ng projections sa pandemic ay pataas ang kaso hanggang sa kalagitnaan ng taon, habang tinaya ng mga ekperto na aabutin pa ng higit isang taon bago makagawa ng bakuna laban sa coronavirus disease.

Hinimok ni Hataman ang gobyerno na gawing prayoridad ang pag-upgrade ng lahat ng Level 1 hospitals sa Levels 2 o 3 para maserbisyuhan ang inaasahang pagdami pa ng mahahawa ng impeksyon.

Ipinaliwanag nito na hindi pwedeng patuloy lang na mag-operate ang ibang mga ospital sa lebel ng health emergency response gaya ng ginagawa ngayon.

Hindi kasi anya sustainable ang ganitong set-up lalo na kung lumala pa ang sitwasyon o biglang tumaas ang bilang ng magkakasakit.

Sabi ng kongresista, basic lang ang mga pasilidad ng Level 1 hospitals na walang intensive care units kaya hindi kayang tumugon sa malulubhang kondisyon ng pasyente.

 

 

 

 

 

Read more...