35 residente ng Bakun, Benguet hindi tinanggap ang ayuda mula sa SAP para maibigay sa ibang mas nangangailangan

Tatlumpu’t limang residente ng Barangay Gambang sa Bakun, Benguet ang boluntaryong nag-waive ng kanilang slots para sa Social Amelioration Program ng Department of Social Wefare and Development (DSWD).

Ayon sa post sa Facebook ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng Bakun, nagpasya ang 35 na i-waive ang kanilang slots dahil palagay nila ay hindi sila kwalipikado sa guidelines ng DSWD.

Nais din nilang magamit ang slots ng iba pang pamilya na higit na nangangailangan para sa nasabing ayuda.

Pinasalamatan naman ng lokal na pamahalaan ang pagiging tapat ng mga residente.

“This act of kindness shows that we i-Bakun unite as one to survive this kind of pandemic,” ayon sa pahayag ng Bakun LGU.

 

 

 

Read more...