Mahigit 890,000 na pamilya sa Calabarzon nakatanggap na ng P6,500 na ayuda

Umabot na sa mahigit 890,000 na kwalipikadong pamilya sa CALABARZON ang nakatanggap na ng P6,500 na ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Social Wefare and Development (DSWD) Region 4-A, sa buong rehiyon ay 894,208 na mga pamilya na ang nakatanggap ng cash assistance.

Sa nasabing bilang, 311,481 ay mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Program at ang 582,727 ay mga benepisyaryo na kabilang sa informal at vulnerable sector.

Ang naturang bilang ay 45.98% pa lamang ng kabuuang 2.2 milyon na target na mga pamilya sa buong rehiyon.

Nagpapatuloy pa ang pamamahagi ng cash assistance sa iba’t ibang bahagi ng CALABARZON.

 

 

 

Read more...