Mga kwalipikadong pamilya sa QC na hindi napasama sa SAP ng DSWD bibigyan ng P4,000 ng lokal na pamahalaan

Naglaan ng pondo ang Quezon City local government para mabigyan ng tulong-pinansyal ang mga kwalipikadong pamilya sa lungsod na hindi napasama sa Social Amelioration Program ng DSWD.>

Inaprubahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ikalawa at ikatlong supplemental budget na aabot sa P1.9 billion para sa 2020.

Bahagi ng dagdag na budget ay ilalaan sa financial assistance para sa mga hindi nakasama sa SAP na pawang vulnerable sectors at sakop ng Kalingang QC program.

Ayon kay Belmonte ang mga kwalipikadong pamilya na wala sa SAP ay tatanggap ng P4,000 cash assistance.

“Sinikap nating maisakatuparan ito dahil marami ang nagpaabot ng kanilang hinaing sa regular na pag-iikot ko sa mga barangay upang personal na alamin ang kanilang mga pangangailangan,” ayon kay Belmonte.

P479-million na pondo naman ay gagamiting pambili ng relief goods.

Umabot lang sa 377,584 na Social Amelioration Cards (SACs) ang inilaan ng DSWD sa QC.

Ang Quezon City ay mayroong tinatayang 723,822 na pamilya base sa 2015 Census.

 

 

Read more...