Tondo, San Andres, Malate at Sta. Cruz sa Maynila maaring isailalim din sa hard lockdown

Inquirer photo

Masusi nang pinag-aaralan ng Manila City government ang posibilidad na isailalim din sa hard lockdown ang iba pang bahagi ng Maynila.

Kabilang sa pinag-aaralang isailalim sa hard lockdown ang Tondo, Sta. Cruz, San Andres at Malate.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, kailangang pag-aralan pa itong mabuti dahil mahabang paghahanda ang ginagawa para sa hard lockdown.

Noong nakaraang linggo ay isinailalim sa 48 oras na hard lockdown ang Sampaloc na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa lungsod.

 

 

 

 

Read more...