British nationals na stranded sa Pilipinas makauuwi na ng kanilang bansa

Makauuwi na sa kanilang bansa ang mga British national na na-stranded sa Pilipinas matapos na abutan ng enhanced community quarantine.

Gamit ang sweeper flights ay sinundo ang mga British national na nastranded sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao, Sa Cebu at sa Palawan.

Mula sa mga paliparan doon ay isinakay naman sila ng eroplano patungong Manila.

Galing Manila ay saka naman sila iuuwi sa kanilang bansa.

Pinasalamantan naman ng British Embassy sa Manila ang Department of Tourism, Department of Foreign Affairs at PAL para mailikas ang mga stranded na dayuhan.

 

 

Read more...