Online services inilunsad para sa mga residente ng Taguig

Naglunsad ng online services ang Taguig City local government para sa kanilang mga residente.

Paghahanda ito sa “new normal” ngayong mayroong problema sa COVID-19 hindi lang sa bansa kundi sa iba pang panig ng mundo.

Ang Taguig Online Resources and Community Hub (TORCH) program ay kapapalooban ng online training para sa mga guro, open campus para sa professionals, online resource hub para sa senior citizens, at resource page para sa mga negosyo.

Sa ngayon ayon sa Taguig LGU mayroon nang 4,500 na public school teachers at 1,000 private school teachers ang sumasailalim na sa Web meetings at self-paced learning tools.

 

 

 

Read more...