Nag-live strea sa kaniyang Instagram si Bea para lang sana ibahagi sa kaniyang followers ang kaniyang bagoong recipe.
Pero inimbitahan nito na mag-live din si John Lloyd.
Ang video chat ng dalawa ay nauwi na sa Q and A tungkol sa kanilang first love, great love at best movies.
May bahagi ng chat na nagtanong si John Lloyd kay Bea “Kailan ako pinakamasaya?”.
Ang sagot naman ni Bea, “Kapag kasama mo si Elias”.
Ayon pa kay John Lloyd, “Nandon ka nung nagmahal ako, nandon ka nung nasaktan ako, nandon ka nung wala akong matakbuhan nandon ka nung kailangan ko ng kaibigan, nung kailangan ko ng kausap,”.
Inakala pa ni Bea na linya ito sa pelikula kaya tinanong niya si John Lloyd kung anong pelikula ito?
Pero ayon kay John Lloyd hindi iyon galing sa pelikula kundi nais niya lang sabihin kay Bea.
Madaming fans ng dalawa ang kinilig at nagbahagi ng nasabing video chat at grab ng video chat sa kani-kanilang social media.