Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Senator Sonny Angara, isa sa mga author ng batas para sa National ID System, dalawang taon mula nang maipasa ang batas ay hindi umusad ang proseso nito.
Ito ay sa kabila ng paglalaan na ng pondong kongreso para dito.
“Kailangang imbestigahan ano dahilan bakit nabinbin ang Nagional ID System?,” ani Angara.
Isa sa mga nadinig na dahilan ng senador ay ang problema sa bidding process.
Naging malaking bagay sana ayon kay Angara sa problema ngayon ng bansa sa COVID-19 kung mayroon nang National ID System.
MOST READ
LATEST STORIES