Kaso ng COVID-19 sa US mahigit 1 milyon na

Sumampa na sa mahigit isang milyon ang naitalang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nakapagtala ng mahigit 22,000 na panibagong kaso ng COVID-19 sa US kaya sumampa na sa 1,009,259 ang COVID cases doon.

May naitala namang mahigit 1,000 panibagong nasawi, kaya sumampa na sa mahigit 56,000 ang COVID-19 deaths.

Sa US ay mayroon nang 138,900 na naka-recover sa sakit habang maroon pang mahigit 813,000 na aktibong kaso.

 

 

 

Read more...