DOH mayroon nang 1,101 na COVID-19 referral hospitals

FILE PHOTO

Umabot na sa 1,101 ang COVID-19 referral hospitals sa bansa.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, base ito sa report mula sa Department of Health (DOH).

Sa kaniyang ikalimang weekly report sa kongreso, sinabi ng pangulo na nangangahulugan itong bawat rehiyon ay mayroon nang at least isang COVID-19 referral hospital.

Mayroon namang total number of beds para sa COVID-19 patients na 7,732 at mayroong 1,381 na ventilators.

 

 

 

Read more...