Epektibo ngayong umaga ng Martes, April 28 may rollback na P1.80 sa kada litro ng diesel at P2.15 sa kada litro ng kerosone.
Habang 20 centavos lamang ang rollback sa kada litro ng gasolina.
Epektibo ang rollback ng mga kumpanyang Shell, Petron, SeaOil at Flying V alas 6:00 ngayong umaga.
Ang Caltex ay mas nauna nang nagpatupad ng rollback alas 12:01 ng madaling araw.
May parehong halaga din ng rollback sa gasolina at diesel ang mga kumpanyang Total, Petro Gazz, PTT, CleanFuel, at Phoenix Petroleum alas 6:00 ng umaga.
READ NEXT
“DOH must identify COVID-19 strain types affecting Pinoys” – SHARP EDGES by JAKE J. MADERAZO
MOST READ
LATEST STORIES