Tatlong liquor ban violators, huli sa Valenzuela City

VCPS PHOTO
Nahuli ng Valenzuela City Police ang tatlong lalaki makaraang lumabag sa ipinatutupad na liquor ban sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Ayon sa Valenzuela LGU, iniulat ng pulisya na nahuli sa aktong umiinom ang tatlo noong araw ng Linggo, April 26.

Nahuling sinuway ng tatlo ang City Ordinance No. 681, Series of 2020, o “Stay Sober Ordinance sa bahagi ng Barangay Gen. T. De Leon.

Sa ilalim ng ordinansa, sinumang lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P5,000 bawat isa.

Read more...