COVID-19 cases sa Maynila, umabot na sa 644

Umakyat na sa 644 ang bilang ng COVID-19 positive cases sa Lungsod ng Maynila.

Sinabi ng Manila Health Department at MEOC COVID-19 monitoring na naitala ang nasabing datos hanggang 5:00, Lunes ng hapon (April 27).

Pinakamarami pa ring napaulat na tinamaan ng nakakahawang sakit sa Sampaloc na may 129 cases.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bahagi ng lungsod:
– Binondo – 7
– Ermita – 21
– Intramuros – 1
– Malate – 35
– Paco – 37
– Pandacan – 31
– Port Area – 4
– Quiapo – 16
– San Andres – 44
– San Miguel – 9
– San Nicolas – 7
– Sta. Ana – 27
– Sta. Cruz – 66
– Sta. Mesa – 55
– Tondo 1 – 94
– Tondo 2 – 61

Samantala, 1009 ang suspect cases habang wala namang probable case sa lungsod.

Nasa 89 pasyente sa Maynila ang naka-recover sa nakakahawang sakit at 60 residente ang pumanaw.

Read more...