BREAKING: Bilang ng gumaling sa COVID-19, nadagdagan ng 70 – DOH

Kasabay ng paglobo ng kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19, marami rin ang naitatalang nakaka-recover sa sakit.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (April 27), 70 ang bagong napaulat na gumaling sa COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Dahil dito, 932 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa bansa.

10 namang pasyente ang pumanaw kung kayat ang COVID-19 related deaths sa Pilipinas ay umabot na sa 511.

Sa datos pa ng DOH, 198 ang napaulat na bagong tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Sa kabuuan, 7,777 na ang confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas.

Read more...