Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 3:37 ng hapon, katamtaman hanggang sa mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales at Pampanga.
Sinabi ng weather bureau na mararamdaman ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Payo ng PAGASA, maging maingat sa posibleng idulot nitong pagbaha o pagguho ng lupa.
MOST READ
LATEST STORIES