Mga kumpanya ng langis nag-anunsyo na ng ipatutupad na rollback sa presyo ng produktong petrolyo

Inanunsyo na ng mga kumpanya ng langis ang halaga ng ipatutupad nilang rollback sa presyo ng produktong petrolyo.

May bawas na 20 centavos sa kada litro ng gasolina, P1.80 sa kada litro ng diesel at P2.15 sa kada litro ng kerosone.

Epektibo ang rollback ng kumpanya bukas araw ng Martes (APril 28) alas 6:00 ng umaga.

 

 

 

Read more...